Home » Page 37
Ang Kuwento Sa Likod Ng Kamay Ni Sto. Niño
March 22, 2007
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Dito sa Pilipinas o kahit dito sa Lucena na lang, kung gusto mong makasagap ng preskong chizmax. Mapa-showbiz, politics, o religion man… punta ka lang sa Barbershop. Pingboks to be specific. May gupit na, may chizmax pa. San ka pa?
Ang mga barbero kase ang nangunguna pagdating sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid natin. Para silang mga newscaster kung magpalitan ng mga kuro-kuro. Ikaw naman ganado lang sa pakikinig habang nakapikit, mamamalayan mo na lang… wala ka na palang tenga. Nagupit na! He-he!
Nagpagupit ako sa Pingboks nung Feb 4, mala-gubat na kasi ang buhok ko sa kapal nito. Hindi na presentable tingnan. Hindi na pantay-pantay. Kelangan nang i-trim. He-he! Kapag nagpapagupit ako sa Pingboks, ang madalas kong naaabutang walang kustomer ay si intsik, minsan naman si taba-ding, (ed’s note: hindi ko alam ang mga pangalan) pero madalas eh si intsik ang naaabutan ko. Sobrang alam na nya ang hairstyle ko. Pag nagkikita kami, senyasan na lang ayos na! Nagkakaintindihan na kami. Semi-roundtop ang hairstyle ko, pero hindi dito iikot ang usapan… kundi sa topic nila during that gupitan session - ANG KUWENTO SA LIKOD NG KAMAY NI STO. NIÑO!
Noong dekada nobenta, usap-usapan na ang tungkol sa katapusan ng mundo. Nariyan ang tinatawag nilang Y2K craziness, Millennium madness, Armageddon obsession, Doomsday hysteria, Last Days prophecies, at kung anu-ano pang topic na may kinalaman sa pananakot sa sarili. He-he!
Pagsapit ng year 2000, lahat daw ng computer programs ay hindi magpa-function, mostly ay sa mga establishments at magre-resulta daw ito ng unknown degree of disruption sa lahat ng sektor ng ekonomiya. Magkakaroon din daw ng problema sa pagre-record ng dates, halimbawa, ang 01/02/03 ay hindi nangangahulugan na ito ay January 02, 2003 na, dahil puwede rin itong maging 01 February, 2003 at 2001-Feb-03. Ang mga scientist naman ay nag-base naman sa kanilang mga findings about sa origin ng universe, big bang theory to be specific. Ayon sa kanila, lalamunin daw ang earth ng isang malaking itim na ulap na kung saan ay may dala-dalang supernatural powers na magpapasabog sa earth. Ang mga relihiyoso naman ay nag-base sa bibliya… muli daw magbabalik si Hesukristo upang gunawin ang mundo at litisin ang mga makasalanang tao, pero bago daw muna yun, eh mauuna munang dumating ang tinatawag nilang anti-christ na may logo sa ulo at sa kamay na 666. Marami ang nag-panic nung mga panahon na yun. May mga ilang tao sa ibang bansa ang tumira na sa mga yungib o kuweba dahil ang sabi ng iba, uulan daw ng apoy mula sa langit. Ang iba naman, ibinigay ang mga kayamanan nila sa lider ng kanilang sekta upang mabawasan daw ang bigat ng kanilang kasalanan. Ang mga mag-syota naman ay maagang nagpakasal para makahabol sa last trip. He-he! Chika lang yun! Maniwala, syunga!
At lahat ng yan ay dahil lang daw sa ang Y2k o year 2000 ay may tatlong zero kaya kinatakutan na. Hindi ko alam kung saan nila nakuha yun. Sinubukan kong hanapin sa google pero wala akong makitang paliwanag. Pero ayon sa mga barbero ng Pingboks, isa lang ang dahilan kung bakit kinatakutan ang year 2000.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Barbero 1: Totoo raw talaga…
Barbero 2: Na ano?
Barbero 1: …na dalawang libong taon lang ang ibinigay na taning ni Hesus sa ating mga tao.
Barbero 2: Hindi totoo yan! Wala sa bibliya yan! Saan mo naman nabasa yan?
Barbero 1: Kung hindi totoo, bakit nang mabuhay na mag-uli si Hesus, eh dalawang daliri ang nakataas?
Barbero 2: Eh ano naman kung dalawang daliri ang nakataas?
Barbero 1: Mahina ka pala eh! Ibig sabihin nun, dalawang libong taon lang talaga ang taning na ibinigay sa atin ni Hesus mula ng ipako sya at mamatay sa krus.
Barbero 3: Narinig ko na rin yan sa lola ko. Totoo nga daw yan.
Barbero 2: Kung totoo nga yan, bakit hindi pa rin nagugunaw ang mundo samantalang 2007 na ngayon?
Barbero 1: May Sto. Niño ka ba sa bahay nyo?
Barbero 2: Oo, bakit?
Barbero 1: Kung titingnan mo ang Mahal na Sto. Niño na imahe ng batang si Hesus, nakataas din ang dalawang daliri nito at sa kaliwang kamay nito ay may nakapatong na globo.
Barbero 2: O, ngayon?
Barbero 1: Tapos kung mapapansin mo, nakangiti ito.
Barbero 2: O, eh ano naman kung nakangiti?
Barbero 1: Ibig sabihin nun, joke lang ang lahat. Kase nga, kahit sya hindi rin nya alam kung kelan ang katapusan ng mundo. Ha-ha!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Sa mga makakabasa ng walang kuwentang article na ‘to, huwag nyong kakalimutang KUWENTONG BARBERO lang ito. Peace! He-he!






