Home » Page 29
Opinyon Ng Isang Pilosopo
May 23, 2007
Jean-Paul Charles Aymard Sartre (June 21, 1905 - April 15, 1980)
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Nabuhay ka sa mundong ito hindi dahil sa kung ano ang naka-plano o naka-tadhana sa’yo. Kundi para alamin ang kahalagahan o essence mo sa mundong ito bilang isang tao. Sa pamamagitan ng pagkakaroon mo ng kalayaang pumili, nakapagdedesisyon ka sa mga bagay na gusto mo mangyari sa buhay mo.
Hindi totoong may nakatadhana o may nakaplano na para sa’yo sa mundong ito. Hindi totoong lahat ng nangyayari sa buhay mo ay bunga ng mga plano ng Diyos para sa’yo sa mundong ito. Hindi totoong may dahilan lahat ng mga nangyayari sa buhay mo base sa kung ano’ng naka-plano sa’yo sa mundong ito.
Bakit?
Kase magko-contradict ito sa regalong ibinigay ng Diyos sa atin - “ang kalayaang pumili!”
Huwag mong kakalimutan na binigyan ka ng Diyos ng kalayaang pumili o magdesisyon para sa sarili mo. Walang kinalaman ang Diyos sa mga maling desisyong nagagawa mo sa buhay mo. Kase ginagabayan ka lang ng Diyos. Take note: “Ginagabayan!”
Eto pa. Paki-tandaan lang.
Ikaw ang gumagawa ng kapalaran mo, hindi ang kapalaran ang gumagawa sa’yo.
Masakit man isipin, pero ‘yun talaga ang totoo. Lahat ng nangyayari sa buhay mo, maganda man o hindi, ay bunga ng mga desisyon na ginagawa mo sa araw-araw. Walang ibang responsable sa buhay mo kundi ikaw. Walang ibang tutulong sa’yo kundi ikaw, dahil ikaw mismo ang nagdedesisyon sa buhay mo.
Sabihin ng may ibang taong nagdedesiyon at kumokontrol sa buhay mo. Pero anak ng tipaklong! Nasa sa’yo pa rin ang huling desisyon kung susundin mo yun o hindi. Kaya walang ibang dapat sisihin kundi ikaw. Wala! Ikaw lang! Ikaw lang talaga!
Alam mo kase, dalawa lang naman ang klase ng nilalang sa mundo.
Una. Yung klase ng tao na “being-in-itself.”
Yan ang klase ng tao na bago pa nag-exist sa mundong ito, may imahe na. Naka-fixed na. Kumbaga sa gadget, may mga features na. Which is essence comes first before existence here in life. Ibig sabihin, nakaplano na para sa isang bagay (na hindi naman totoo).
Ang gusto ko lang naman kase i-point out dito, eh hindi totoong lahat tayo, bago pa isinilang sa mundong ito, ay may imahe (essence or nature) na. Lahat kase tayo ay may kalayaang magdesisyon kung anong imahe or essence ang gusto natin para sa sarili natin. Sa buhay natin.
Existence muna before essence. Hindi essence before existence.
Kase kung essence precedes existence ang kundisyon ng buhay mo, lahat ng kalayaan mo, limitado na. Kase may essence ka na. May nature ka na. May imahe ka na. Ang kulang na lang sa’yo, existence mo para magamit sa isang plano at wala kang ibang puwedeng gawin kundi ang sundin yun, dahil yun ang nakaplano sa’yo. Ang pangit naman ata non. Ano ka? Si Terminator? Naka-program para protektahan si John Connor. Isipin mo nga!
Eh kung existence precedes essence, may choices ka at may freedom ka. Kase wala ka pang essence or nature. Gagawin pa lang, at take note again: “Ikaw ang gagawa!”
Ang ibig sabihin kase ng salitang “existence” sa latin ay “exeo” na ang ibig sabihin ay “I go out” or “to go out.” Bigyan kita ng isang sample. Sa isang Shopping Mall, makikita mo yung “exit door” na kung saan, lahat ng taong “tapos” ng mag-shopping or mag-window shopping at gusto ng lumabas ay dun lumalabas.
So ibig sabihin, to exist means to go outside. Lumabas sa kasalukuyan at sa nakaraang pagkatao tungo sa hinaharap na bagong pagkatao which is pinili mo. Ginusto mo. Na-gets mo ba ang ibig kong sabihin?
Lahat tayo ay ang klase ng nilalang na “being-for-itself.”
Lumalabas ang kahalagahan natin base sa kung ano ang naging existence natin sa ibang tao. Kung anong naging pagkakakilala ng ibang tao sa atin. At lahat ng yun ay dahil sa mga desisyong ginagawa natin sa buhay natin. Tandaan mo na hindi lang ikaw ang naaapektuhan sa mga desisyong ginagawa mo. Pati ang mga taong nasa paligid mo, naaapektuhan din.
Kaya dapat maging responsable ka sa mga desisyong ginagawa mo at gagawin pa lang sa buhay mo. Isipin mo muna ng makailang ulit bago mo ito gawin. Para walang ibang nasasaktan. Ngayon kung magko-comment ka sa artik na ito para ihalintulad ang isang tao sa isang bagay as an explanation or pangangatwiran sa mga opinyon ko, tulad halimbawa ng martilyo, na ginawa para ipang-pukpok sa pako or lamesa para sa hapag-kainan. Hindi mo na maiintindihan ang ibig kong sabihin. Pagdating kase sa mga ganoong bagay, lalabas talagang “essence precedes existence” ang lahat ng nilalang at bagay sa mundo. Which is hindi naman talaga dapat.
Ikaw, ano’ng opinyon mo? Existence Precedes Essence or Essence Precedes Existence?
Prove it!






