Bumblebee

February 14, 2012

 

Habang hindi paawat ang dami ng taong naglalakad sa aking harapan… Ay nagpatuloy lamang sa pag-ikot ang dalawang kamay ng orasan… Hanggang sa hindi ko namalayan… Malayo ka na pala…

Sa akin.
Sa aking paningin.
Sa aking daigdig.
Unti-unti kang nawala.

Hindi na kita naabutan. At batid kong wala na ‘kong anumang magagawa upang mapigilan ang takbo ng bawat segundong naghihiwalay sa ating dalawa. Malayo ka na nga. Mahirap abutin. Mahirap pangarapin.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

  

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Minsan, sa isang bahagi ng simbahan, nagkasalubong tayong dalawa. Papalubog na ang araw noon. Nagkalat ang mga tao. May kanya-kanyang buhay. May iba’t-ibang ginagalawan. May sari-sariling mundo. Parang tayo. Muling nagkatagpo sa isang pambihirang pagkakataon nang may magkaibang patutunguhan. Ngunit doon, kung saan tayo nagkasalubong, umusbong ang dahilan at kaugnayan ng lahat—ang koneksyon ng kapwa natin pagpili sa parehong daan! Ang relasyon ng kulimlim na dulot ng ulap sa distansyang naghihiwalay sa ating pagitan. At ang rason kung bakit kailangang umambon sakto sa oras na tayo’y nagkakaharap. Hula ko, nang mga oras na ‘yon, isa na lamang sa walong sinag ng araw ang pinayagang maghasik ng liwanag sa ating nilalakaran. Isa na lamang sa walo ang hinayaang makarating sa ating paningin habang ang puwang sa pagitan nati’y pinagdidikit ng unti-unting kumukulimlim na paligid.

Aaminin ko, mula sa malayo, naging mahirap para sa akin ang agad na maging pamilyar sa iyo. At dapat ko ring aminin, nang tayo’y muling nagkatagpo, taglay mo pa rin ang gandang agad kong hinangaan nung unang araw pa lamang na masilayan ko ang iyong kagandahan. Nakatayo ka noon sa labas ng isang fast-food chain kung saan kita unang nakita. Ako naman, nakaupo sa loob at naghihintay ng ibibigay na written exam para sa aking application bilang production crew. At habang naghihintay sa ibang aplikante na makakasabay ko sa pagkuha ng written exam, tinatanaw ko ang mga taong nagdaraan sa labas. Mga taong pumipila upang makataya sa lotto. Mga taong namimili ng mga bracelet at kwintas na nagdadala daw ng suwerte sa buhay. At mga taong sumasakay sa escalator upang makarating sa ikalawang palapag ng mall. Hanggang sa mapagawi ang aking atensyon sa iyong kinatatayuan. At dahil sa taglay mong ganda, agad mong nabihag ang aking mga mata. May ilang beses rin akong nagtangkang sumulyap sa iyong kinaroroonan mapunan lamang ang aking pagnanais na makita ulit ang iyong kagandahan. Naramdaman mo yatang may nakatingin sa iyo at huli na nang madiskubre kong nakatingin ka na rin pala sa akin. Nagtama ang ating mga mata. Agad ko namang binawi ang aking paningin. At pagsulyap ko ulit, wala ka na. Nakahinga ako ng maluwag.

Maya-maya, nakaramdam ako ng mahinang tapik sa kaliwang balikat ko. Paglingon ko, nagulat ako dahil nasa likuran na pala kita. Agad akong nakaramdam ng hiya. Kinausap mo ako, at base sa bukambibig mo, nabasa kong tinatanong mo ako kung nag-a-apply rin ba ‘ko, at ang sagot ko, oo. Pagkatapos, umupo ka sa bandang harapan ng lamesang aking inookupahan. Kinausap mo ulit ako. Hindi naman kita naintindihan at sa wari ko’y napansin mo ang aking kakulangan. Kaya sinabi ko ang aking kalbaryo. Nagulat ka kaya tinanong mo ako kung paano ‘yan sa interbyu. Sinabi kong, ipinaalam ko na naman sa kanila ang aking sitwasyon. Ilang minuto pa ang lumipas at nag-umpisa na tayo kasabay ng ilang aplikante sa pagharap sa maiksing pagsusulit. At ilang sandali pa, natapos na rin tayo sa wakas. Kinausap ako nung babae sa pamamagitan ng pagsulat sa papel na ite-text na lang ulit ako para sa interbyu. At tulad ko, ganoon rin ang sinabi sa iyo at sa iba pa nating nakasama. Paglingon ko, nakita kong paalis ka na kaya hinabol kita upang itanong kung ano’ng isinagot mo sa number 2, at ang sabi mo, Bumblebee. Pero ang totoo, hindi naman talaga ‘yun ang habol ko. Gusto ko sanang itanong kung ano’ng pangalan mo. Pero dala ng kaba, iba ang naitanong ko. Matapos magpaalam, isang panandaliang titig para sa iyo ang aking pinakawalan bago ako tuluyang tumalikod palayo sa iyo. Iyan ang ating unang engkuwentro. Nagkataon lang, ngunit may kaugnayan na nagsimula sa isang simpleng pagsusulit.

Kung hindi pa may bumundol sa likurang bahagi ng kanang balikat ko, hindi ko mapapansin na nasa unahan na pala kita at gayundin ako sa iyo. Direktang humaharang sa daraanan ng bawat isa. Kapwa hindi nagsasalita. At kapwa hindi alam kung paano at bakit dapat magbitiw ng salita. Alam ko, pagkakataon ko na ulit iyon upang maitanong kung ano ang pangalan mo. Ngunit dala ng hindi inaasahang pagkikita, hindi ko na naman nagawa. Nanahimik na lamang ako habang pinagmamasdan ang iyong kagandahan sa loob ng halos dalawang minutong sandali ng ating muling pagtatagpo. Nagpatuloy ako sa aking paglakad at inasahan ko nang ipagpapatuloy mo rin lang ang sa iyo sa sandaling magkalapit ang ating agwat. Ganoon nga ang nangyari. Pero hindi ko masasabi na balewala lamang ako. Na hindi mo ako pinansin o nakilala. Dahil nang mga oras na iyon nahuli ko ang iyong mga mata, sapagkat sa isang muling pagkakataon ay nahuli mo rin nakatingin sa iyong mga mata. At hindi ako bigo, dahil alam kong ibinalik ng iyong mga mata ang ngiti na ibinigay ng akin sa kanila. Hanggang sa bago tayo tuluyang nagsalubong sa gitna ng daan, nagkangitian na lamang tayong dalawa kasabay ng pagbati sa isa’t-isa ng salitang… “Uy!” Iyan ang ating ikalawang engkuwentro. Na sa dami ng taong nagdaraan sa paligid ng simbahan, doon tayo muling nagkatagpo.

Isa-isang naglaglagan ang maliliit ngunit marami-raming butil ng ulan. Nagkagulo ang lahat. May ilang binuksan ang kani-kanilang mga payong. Sinubukang insultuhin ang ambon ng ulan, ngunit hindi ang ihip ng hangin. Isang sampaguita vendor ang napasigaw nang biglang bumaliktad sa pagkakaayos ang hawak nitong payong. Isang sekyu naman ang natapilok sa may gutter bago tuluyang nakapasok sa loob ng eskwelahang binabantayan. Samantalang ang grupo ng mga pulubi ay naroroon sa may walking shed, naghihintay ng baryang mahuhulog mula sa mga nagdaraan. At tayo, mas pinili nating tahakin ang orihinal na destinasyon ng bawat isa. Ako dito. Doon ka. Nagpatuloy ako sa aking pagtakas. Isang puganteng umiiwas sa bawat tapik ng ulan palayo sa lugar kung saan ako ang tinakasan ng pagkakataong magsalita patungo sa isang simula na maging bahagi ng iyong mundo.

Malayo ka na nga. Wala ka na ro’n. At hindi na ako… muli pang lumingon.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

 

Posted by wackylodeon at 10:40 AM | permalink | Add comment
No Sense, Makes Sense!

The Individual

Happy Hour

     

February 2012
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829  

Notes On The Desk

UEFA EURO 2012 BERTARUH DI 12BET:

Just enter and click http://bloggue.pressku.com/agenliga-sebagai-agen-bola-online-untuk-euro-2012/ http://bloggue.pressku.com/creating-history-together-with-arenabetting-piala-eropa-2012/ http://bloggue.pressku.com/channelbola-com-agen-bola-resmi-piala-eropa-2012/

Interior Design Ideas:

http://interiordesignideass.info/collections/camping-modern-kitchen
http://interiordesignideass.info/collections/garden-modern-kitchen
http://interiordesignideass.info/collections/swimming-modern-kitchen
http://interiordesignideass.info/collections/free-modern-kitchen
http://interiordesignideass.info/collections/adventure-modern-kitchen
http://interiordesignideass.info/collections/viteo-outdoors-grill
http://interiordesignideass.info/collections/viteo-outdoors-patio-furniture
http://interiordesignideass.info/collections/outdoor-european-kitchen
http://interiordesignideass.info/collections/outdoor-ikea-kitchen
http://interiordesignideass.info/collections/outdoor-retro-kitchen
http://interiordesignideass.info/collections/english-design-ideas-for-living-rooms
http://interiordesignideass.info/collections/spanish-design-ideas-for-living-rooms
http://interiordesignideass.info/collections/irish-design-ideas-for-living-rooms
http://interiordesignideass.info/collections/mexican-design-ideas-for-living-rooms
http://interiordesignideass.info/collections/russian-design-ideas-for-living-rooms
http://interiordesignideass.info/collections/french-design-ideas-for-living-rooms
http://interiordesignideass.info/collections/german-design-ideas-for-living-rooms
http://interiordesignideass.info/collections/greek-design-ideas-for-living-rooms
http://interiordesignideass.info/collections/latin-design-ideas-for-living-rooms
http://interiordesignideass.info/collections/chinese-design-ideas-for-living-rooms
http://interiordesignideass.info/collections/kitchen-decorating-ideas
http://interiordesignideass.info/collections/kitchen-architectural-ideas
http://interiordesignideass.info/collections/kitchen-home-decorating-ideas
http://interiordesignideass.info/collections/kitchen-art-ideas
http://interiordesignideass.info/collections/kitchen-associates-ideas

sepeda motor injeksi irit harga terbaik cuma honda:

http://yurosie.blogspot.com/2012/03/sepeda-motor-injeksi-irit-harga-terbaik.html

Toko Bunga Bandung:

http://www.keishaflorist.net/2012/01/toko-bunga-bandung-keisha-florist.html
http://papanbunga.keishaflorist.com/bandung/
http://tokobungabandung.keishaflorist.com/bandung/
http://tokobungabandung.keishaflorist.com
http://tokobungakeishabandung.blogspot.com/
http://keishajayautama.com/bandung/
http://www.keishaflorist.com/bandung.html
http://tokobungabandung.net/category/bandung/
http://tokobungabekasi.com/toko-bunga-bandung/
http://keishafloristbandung.blogspot.com/
http://tokobungabandung.blog.co.uk/
http://tokobungakeishabandung.wordpress.com/
http://www.lintas.me/article/tokobungakeishabandung.blogspot.com/toko-bunga-bandung-keisha-florist-
http://www.lintas.me/article/tokobungakeishabandung.wordpress.com/toko-bunga-bandung-jasa-pengiriman-bunga-parcel-untuk-area-bandung-sekitarnya
http://www.lintas.me/article/tokobungabandung.blog.co.uk/toko-bunga-bandung-termurah-081264802849
http://www.lintas.me/article/keishafloristbandung.blogspot.com/bunga-bandung
http://www.lintas.me/article/tokobungabekasi.com/toko-bunga-bandung-keisha-florist
http://www.infogue.com/article/2012/05/11/toko_bunga_bandung_081264802849
http://www.infogue.com/article/2012/05/11/toko_bunga_bandung_keisha_florist
http://www.infogue.com/article/2012/05/11/toko_karangan_bunga_di_bandung
http://www.infogue.com/article/2012/05/11/papan_bunga_bandung_keisha_florist
http://www.infogue.com/article/2012/05/11/florist_di_bandung_081264802849
http://www.infogue.com/article/2012/05/11/toko_bunga_bandung_florist_081264802849
http://www.infogue.com/article/2012/05/11/flower_store_in_bandung_081264802849
http://www.infogue.com/article/2012/05/11/rangkaian_bunga_di_bandung_081264802849
http://www.infogue.com/article/2012/05/11/toko_bunga_keisha_bandung
http://www.infogue.com/article/2012/05/11/toko_bunga_ucapan_bandung_florist
http://kombes.com/TokoBungaKeishaFlorist/link/199928
http://kombes.com/TokoBungaKeishaFlorist/link/199929
http://kombes.com/TokoBungaKeishaFlorist/link/199930
http://kombes.com/TokoBungaKeishaFlorist/link/199931
http://kombes.com/TokoBungaKeishaFlorist/link/199932
http://kombes.com/TokoBungaKeishaFlorist/link/199933
http://iklan.tokobungasurabaya.web.id/toko-bunga-bandung-keisha-florist-081264802849-2/
http://rumahiklankeisha.com/toko-bunga-bandung-keisha-florist-081264802849-2/
http://www.iklanbariskeisha.com/toko-bunga-bandung-keisha-florist-081264802849-2/
http://iklangratiskeisha.com/2012/05/toko-bunga-bandung-keisha-florist-081264802849-2/
http://jasaweb-seomurah.com/toko-bunga-bandung-keisha-florist-081264802849/
http://www.zulfandikusnomo.com/2012/05/toko-bunga-bandung-keisha-florist.html
http://iklanbaris.keishajayautama.com/toko-bunga-bandung-keisha-florist-081264802849/
http://iklanbaristerpercaya.blogspot.com/2012/05/toko-bunga-bandung-keisha-florist.html
http://iklanbarispelor.blogspot.com/2012/05/iklan-toko-bunga-bandung-keisha-florist.html
http://bandung.olx.co.id/toko-bunga-bandung-keisha-florist-081264802849-iid-374726297
http://iklanbarispromosi.blogspot.com/2012/05/toko-bunga-bandung-keisha-florist.html

indehost web hosting bagus dan murah indonesia:

http://topiknugroho89.blogspot.com/2012/05/indehost-web-hosting-bagus-dan-murah.html http://topiknugroho.blogdetik.com/indehost-web-hosting-bagus-dan-murah-indonesia/ http://topiknugroho.wordpress.com/2012/05/04/indehost-web-hosting-bagus-dan-murah-indonesia/ http://iklanbarisjogjaku.blogspot.com/ http://iklanbarisjogjaku.blogspot.com/2012/05/indehost-web-hosting-bagus-dan-murah.html http://iklanbarisjogjaku.blogspot.com/2012/05/cara-mempercepat-firefox.html http://iklanbarisjogjaku.blogspot.com/2012/05/jasa-backlink-iph-dan-brave-jurnal.html http://iklanbarisjogjaku.blogspot.com/2012/05/ramalan-zodiak-hari-ini.html http://blog.umy.ac.id/topik/2012/01/02/pembukaan-penerimaan-akedemi-kepolisian-2012/ http://blog.umy.ac.id/topik/2012/04/30/lagu-neng-neng-nong-neng-triad/

Penerjemah Tersumpah:

Penerjemah Tersumpah

Penerjemah Korea:

Penerjemah Korea

Jasa Penerjemah:

Jasa Penerjemah

Penerjemah Mandarin:

Penerjemah Mandarin

Jasa Subtitle:

Jasa Subtitle

Jasa Terjemahan:

Jasa Terjemahan

Jasa Penerjemah Tersumpah:

Jasa Penerjemah Tersumpah

Penerjemah Inggris:

Penerjemah Inggris

Penerjemah:

Penerjemah

Agen Taruhan Bola:

Agen Taruhan Bola

Judi Bola:

Judi Bola

Taruhan Online:

Taruhan Online

Agen Judi Bola:

Agen Judi Bola

Agen Bola:

Agen Bola

Agen Judi:

Agen Judi

Leave a message ▼

Blogosphere Observatory

Blog Attendance

free counters

Blog Traffic

Naruto Manga

Mugenation

Sponsored Links