Home » Archives » March 2011
Babati Lang
March 1, 2011
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
COLDATE
YOUR FIRST IMPRESSION COULD BE YOUR LAST!
SERVING YOU SINCE 1949
(pinagsisilbihan ka, na para bang buhay ka na, noong 1949)
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Nawala ka man sa paningin ko,
Hindi ka naman nawala sa isip ko.
Kaya ipahinga mo na ang mga paa mo,
Kase antagal mo nang tumatakbo sa isip ko.
Kung okey lang sa’yo,
Ako naman ang tatakbo sa isip mo.
Upang malaman ko,
Kung meron na bang tumatakbo d’yan sa isip mo.
Pero kung ayaw mo,
Okey lang, andito pa rin ako.
Laging babati sa’yo,
Tuwing birthday mo.
Mabuti na lang may friendster ka,
Isang paraan upang mabati ka.
Salamat naman at naging kaibigan kita,
Testi ko nga pala, asan na?
Iba man ako kapag kaharap kita,
Ganon lang talaga, kase ako’y tanga.
Wala naman dapat ipagtaka,
Sa isang torpedo, gets mo ba?
Hindi ko alam kung sasabihin ko pa,
Pag-ibig sa malayo, ewan ko ba.
Basta kapag nilapitan kita,
Huwag mo ‘kong iiwasan, okey lang ba?
Sana magustuhan mo ang tulang ito,
Na ginawa ko para lang sa’yo.
Huwag kang kokontra, blog ko ‘to,
Babati lang… HAPPY BIRTHDAY TO YOU!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Note: Ang tulang ito ay naisulat ko noon pang February 23, 2006, kaya wala na ito. Gusto ko lang i-share sa inyo na minsan din nagmahal ako pero hindi napansin, ahuhu.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -






