Hi! You accidentally landed on my nonsense and worthless blog niche. This is my getaway from my offline life. If you know me personally, and you're here, I'd appreciate it if you tell to your friends or to anyone else about this stupid craft of mine.

Comments are welcome, but moderated. Haters will not be tolerated. Constructive criticisms are allowed to some extent.

Enjoy your stay!

Wackylodeon - No Sense, Makes Sense!

Home » Archives » June 2009

Ambisyoso

June 20, 2009

 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Minsan humiling ako ng isang pangarap. Isang pangarap na sana lahat ng kahilingan ko ay matupad. Humiling ako na sana isang araw lahat ng kahilingan ko sa buhay ay magkatotoo.

“Mabuting kalusugan.. Panatag na kalooban.. Tunay na kaligayahan..”

Pero ang mga ito ay isang kahilingan lamang. Isang kahilingan..

Minsan nangarap ako ng isang kahilingan. Isang kahilingan na sana lahat ng pangarap ko ay matupad. Nangarap ako na sana balang-araw lahat ng pangarap ko sa buhay ay makuha ko.

“Magandang trabaho.. Mabuting asawa.. Masayang pamilya..”

Pero ang mga ito ay isang pangarap lamang. Isang pangarap..

Minsan masarap managinip ng gising. Managinip ng mga bagay na sa pangarap lang nahihiling. At sa oras na ang diwa’y magising, matatawa na lang sa sarili at maiiling.

Minsan masarap mangarap ng tulog. Mangarap ng mga bagay na sa panaginip lang naaabot. At sa oras na ang panaginip ay maudlot, masasabi na lang sa sarili, sana habambuhay na lang nakatulog.

Libre lang ang mangarap. Libre rin lang ang humiling. Ang pangarap ay hindi magiging ganap, kung hindi ito susubukang gawin.

Simple lang ang aking mga pangarap. Simple rin lang ang aking mga hiling. Ngunit ang mga ito ay hindi ko magagawang ganap, kung ang mismong pagkakataon ay naging mailap na sa akin.

Sadyang kayhirap mabuhay dito sa mundo. Walang kasiguruhan kung titigil o tatakbo. Pero alam kong walang magagawang mabuti ang depresyon. Kaya naisip kong tawanan na lamang ang ilang sitwasyon.

Kung susuko ako ngayo’y walang mangyayari. Baka ang mga nasimulan ko ay mawalan lang ng silbi. Ang mabuti ngayon ay magpakatatag. Sumubok upang ang kinabukasa’y tuluyang maging ganap.

Humiling akong mangarap. Nangarap akong humiling.

“Isang simpleng buhay na puno ng saya, puno ng ligaya. Isang magandang bukas na puno ng pag-ibig, puno ng pagasa.”

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

“Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso.
Extension ng puso ang tenga,
Kaya kapag marunong kang makinig,
Marunong kang magmahal.”

                                                                                                         - Bob Ong (Filipino Author)

~ ~ ~

“Siyet! Ang bigat non, idol! Hindi ko kinaya!
Eh pa’no naman kaming mga bingi?
Ibig bang sabihin, hindi kami marunong magmahal?
Hindi ‘ata.”

                                                                                                         - Wackylodeon (Ang Umangal)

 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Posted by wackylodeon at 2:09 PM | permalink | comments[5]