Comments are welcome, but moderated. Haters will not be tolerated. Constructive criticisms are allowed to some extent.
Enjoy your stay!
Wackylodeon - No Sense, Makes Sense!
Pagsamo Ng Isang Multo
October 31, 2008- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Multo akong nabubuhay sa isang katawan. Walang nakakakilala. Walang nakakaunawa. Walang nakakaramdam. Isang multong hindi makikilala hangga’t hindi nilalapitan. Nabubuhay sa dilim. Nag-iisa.
Minsan tinanong ko ang aking sarili. Bakit ako iniiwasan? Bakit ako nilalayuan? Bakit ako kinakatakutan? Mahirap ba akong kasabay? Ewan. Hindi ko alam. Mga tanong na walang kasagutan. Mga bagay na gumugulo sa aking isipan.
Humarap ako sa salamin. Blanko. Malabo. Madilim. Wala akong makitang liwanag. Wala akong makitang pag-asa. Hinawakan ko ang aking mukha. Malamig. Wala akong maapuhap na init. Unti-unti ako’y napaparam. Nababalisa. Naliligalig. Naluluha.
Kahit ganito ang pagkatao ko. Ang pagkamulto ko. Marunong din akong masaktan. Sabihin pang ako’y tuldok lamang. Ngunit pare-pareho lang tayong may karapatan. Simple lang ako. Simple rin lang ang gusto ko. Gusto ko lang magkaroon ng makakasama. At ng makakausap. Yun lang. Bakit ayaw akong pakinggan? Pagkakataon lang ang hinihingi ko. Pero kahit habag, ayaw akong pagbigyan.
Sawang-sawa na ako. Pagod na pagod na ako. Ayoko na dito sa dilim. Ayoko ng maging malungkot. Ayoko ng mag-isa. Kaya ninais ko, o mas tamang sabihing pinangarap ko, ang maging isang taong may makakasama.
Sapagkat ako’y isang multo. Malungkot. Nag-iisa. Hindi masaya. Walang kasama.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Tinatamad ka bang dalawin ako ngayong araw ng Undas?
P’wes!
Text DALAW ON
at i-send sa 2366
Ako mismo ang dadalaw sa’yo!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
“Dalaw me jan 2nyt, ha?”
Previous Comments
kaya mhirap maging multo eh!
nakakalungkot!
bakit di mo subukang itext ang mga kapwa mo multo para di ka malungkot? mag enjoy ka at makiparty sa kanila. . ambisyoso ka naman kasing multo! bakit sa buhay ka nakikihalubilo? hahaha. . happy halohalloween
Posted by paperdoll at October 31, 2008, 1:43 pmwala namang takutan..hehe! palayasin mo na yang multo sa katawan mo..balik na kamo sya sa pinanggalingan nya..hindi natin kelangan ng dalaw.
happy holloween sayo wacky!
Posted by gasti at October 31, 2008, 2:02 pm“dalaw me jan 2nyt ha?” - noo way. ni wala nga akong balak itxt ung DALAW ON, dahil baka magreply sila. awoo. sensitive pa naman ang mga paranormal ngayon.
nagmamaasim ka na naman ha… mahirap nga maging multo.. yung buhay na buhay ka naman pero multo ka lang sa paningin niya. echos.
bawal magdrama oie. takutan tayo eh.
Posted by icka at October 31, 2008, 10:29 pmwacky ikaw ba yung multo? hehehehe
Posted by paulo at November 4, 2008, 10:11 amhala katakot naman. nagsumamo ang isang multo hehe.
Posted by joshmarie at November 5, 2008, 7:14 pmon time naman magbigay ng bonus dito. hehe.
sana makakita ka na ng jowawers.
Paye, d naman nagiisa yung multo dami ksama multo nakita mo ba?
Posted by Behdrex at November 21, 2008, 11:40 amawoo.. naghahanap ng multo. ay bagong post pala. hehe
Posted by icka at November 23, 2008, 7:24 pmWAwah kah amAN pla!! jeje, ngatz knlng olwiesz! wak klng mgpa2kta sken…huh nagsu2mamo q!
xah nGa pla Seym lNg tAung hUmarp sAh saLam!n eh! BlanGko, mLAbo mdIlim din! eh nAkapikit nMan kz aqOh nun!! jeje.. geh pNApAsaya lng ktah…
waks kNa sAd hhuh!! tRabaho mu lng tlga yan!! peO nPabliev mu q sa baNAT MUh ah.. ! jeje, geh… bABuuh nah Ang “tHe wHoo …
awHhooo… c”,?
Posted by gail at June 6, 2009, 10:41 pm









huwaw!
kuya undas na undas ang drama natin ah!
hahaha!
happy haloween!
at ang mumu na pic, ang cute! wapak!
ang tindi na naman ng banat mo dito sa entry na tio!
naalala ko tulo yung kanta na ako’y multo sa paninginnnnnnnnnn basta un!
hehehe!
madals na ka po ata nagblobllog ha!
weeeeeeeeeeee!
sana tuloy tuoy na po ah!
Posted by eloiski at October 31, 2008, 11:55 am