Comments are welcome, but moderated. Haters will not be tolerated. Constructive criticisms are allowed to some extent.
Enjoy your stay!
Wackylodeon - No Sense, Makes Sense!
Pagsamo Ng Isang Multo
October 31, 2008- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Multo akong nabubuhay sa isang katawan. Walang nakakakilala. Walang nakakaunawa. Walang nakakaramdam. Isang multong hindi makikilala hangga’t hindi nilalapitan. Nabubuhay sa dilim. Nag-iisa.
Minsan tinanong ko ang aking sarili. Bakit ako iniiwasan? Bakit ako nilalayuan? Bakit ako kinakatakutan? Mahirap ba akong kasabay? Ewan. Hindi ko alam. Mga tanong na walang kasagutan. Mga bagay na gumugulo sa aking isipan.
Humarap ako sa salamin. Blanko. Malabo. Madilim. Wala akong makitang liwanag. Wala akong makitang pag-asa. Hinawakan ko ang aking mukha. Malamig. Wala akong maapuhap na init. Unti-unti ako’y napaparam. Nababalisa. Naliligalig. Naluluha.
Kahit ganito ang pagkatao ko. Ang pagkamulto ko. Marunong din akong masaktan. Sabihin pang ako’y tuldok lamang. Ngunit pare-pareho lang tayong may karapatan. Simple lang ako. Simple rin lang ang gusto ko. Gusto ko lang magkaroon ng makakasama. At ng makakausap. Yun lang. Bakit ayaw akong pakinggan? Pagkakataon lang ang hinihingi ko. Pero kahit habag, ayaw akong pagbigyan.
Sawang-sawa na ako. Pagod na pagod na ako. Ayoko na dito sa dilim. Ayoko ng maging malungkot. Ayoko ng mag-isa. Kaya ninais ko, o mas tamang sabihing pinangarap ko, ang maging isang taong may makakasama.
Sapagkat ako’y isang multo. Malungkot. Nag-iisa. Hindi masaya. Walang kasama.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Tinatamad ka bang dalawin ako ngayong araw ng Undas?
P’wes!
Text DALAW ON
at i-send sa 2366
Ako mismo ang dadalaw sa’yo!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
“Dalaw me jan 2nyt, ha?”









