Hi! You accidentally landed on my nonsense and worthless blog niche. This is my getaway from my offline life. If you know me personally, and you're here, I'd appreciate it if you tell to your friends or to anyone else about this stupid craft of mine.

Comments are welcome, but moderated. Haters will not be tolerated. Constructive criticisms are allowed to some extent. All Rights Reserved. All Wrongs Observed.

Enjoy your stay!

Wackylodeon - No Sense, Makes Sense!

Home » Archives » May 2008

Kabibe

May 21, 2008

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

*Higop ng kape*

            Tandang-tanda ko pa kung paano nagsimulang magkrus ang landas natin dalawa. Nagmamadali ako non papunta sa klase ko dahil ayokong masabihan ng “ay lab yu” ng titser ko sa Literature. Nang bigla kitang makita sa bintana ng isang classroom. Ngumiti ka at ako naman dedma lang kunyari. Kahit nakuha mo na atensyon ko, dehins pa rin kita pinansin.

*Tingin sa langit*

            Tandang-tanda ko pa ang mga panahon na yon. Tuwing napapadaan ka sa klase ko sa Accounting. Mula sa bintana napapasulyap ako sa’yo, tapos dedma lang kunyari kung susulyapan mo rin ako. Nung minsan di ko na napigilan ang sarili ko kaya nginitian kita. Tuwang-tuwa ako non kase nginitian mo rin ako. Kaya mula non, sa may tabi na ng bintana ako pumupuwesto. Inaabangan ko ang pagdaan mo.

*Hinga ng malalim*

            Tandang-tanda ko pa nung pauwi na ako galing sa klase. Nakita kita kasama ang mga kaibigan mo. Pauwi na rin ata kaya non. Naisip kong sundan kayo para malaman ko kung saan ka umuuwi. Kaso sumabay sa ‘kin yung isa kong kakilala sa paglalakad. Napurnada tuloy ang plano ko. Pero napansin ko, sinusundan rin pala nya kayo. Sumabay lang sa ‘kin para dehins nyo mahalata. Sinundan ka namin hanggang sa makasakay ka na ng dyip. Biyaheng Red-V. Medyo trapik pa non, kaya hindi muna kami umalis hanggang hindi umuusad ang dyip na iyong sinasakyan. Andun lang kami sa may kanto, nakatingin sa’yo. Napansin ko nga sa kasama ko, parang hindi lang nya ‘to ngayon ginawa. Alam nya kase kung saan kami pupuwesto. Nainis tuloy ako. May karibal na pala ako.

*Umayos ng upo*

            Tandang-tanda ko pa nung Christmas party natin. Mula sa likuran na aking kinauupuan, kung saan kasama ko ang ilang mga alumni. Dun ko unang narinig ang maganda mong boses. Titig na titig ako sa’yo non habang kumakanta ka sa stage. Ang galing mo nga magperform sabi ko. Hawak Kamay ni Yeng Constantino pa nga kinanta mo non di’ba? Lahat yan natatandaan ko.

*Iling*

            Tandang-tanda ko rin nung gabing yun. Dun ko rin unang nalaman na may bf ka na pala. Syet! Kaya pala inaalaska si knight of the altar ng mga katabi ko. Syeter! Kaya pala lagi kang dumadaan sa klase ko sa Accounting, kase andun pala ang knight of the altar mo. Syetest! Kaya pala nung minsang nginitian kita, akala ko ako ang nginitian mo. Yun pala yung knight of the altar mo na nasa likuran ko. Anak ng pinakbet!

*Tingin sa radyo*

            Tandang-tanda ko pa nung gabi ring yun. Masamang-masama ang loob ko non. Nagmukha kase akong tanga. Pero syempre, ano bang karapatan ko. Hindi mo naman alam ang nararamdaman ko. Lalo tuloy akong nainis sa sarili ko. Nakisama pa ang panahon sa nararamdaman ko. Ang lakas ng ulan non! Ayos talaga. Pag-uwi ko sa ‘min, full volume ang music ko. Walang ibang sounds kundi Hari Ng Sablay ng Sugarfree ang sounds ko non. Paulit-ulit. Dun ko na lang binuhos ang sama ng loob ko. Lahat yan kabisado ko.

*Singhot*

            Natatandaan ko din yung araw na mabalitaan ko ang malungkot na nangyari sa inyo ng bf mo. Nagkaroon kayo ng matinding problema. Araw ng mga puso non di’ba? Hindi ko nga alam kung dapat ba ‘kong matuwa o mainis sa nangyari sa inyo. Tanong ko nga sa sarili ko, dapat ba ‘kong matuwa dahil wala na kayo? O dapat ba ‘kong mainis dahil lalo akong nawalan ng pag-asang makasama ka? Dahil kase sa nangyari, posibleng masira ang pag-aaral mo. Mabuti na nga lang, walang natanggal sa inyong dalawa.

*Halumbaba*

            Natatandaan ko din yung unang beses na lumapit ka sa ‘kin. Tinanong mo ‘ko kung puwede ba kitang ipag-research sa internet ng assignment mo. Sabi ko sa sarili ko, siguro dahil sa ex mo kaya hindi ka makapag-internet sa kabila. Tsk! Tsk! Naaawa nga ako sa’yo non eh.

*Tingin sa kutsara*

            Natatandaan ko din yung panahon na napa-duty ka sa canteen. Hindi na ‘ko nag-aalmusal sa canteen non. Last na almusal ko non December 20, 2006. Sabi ko sa sarili ko, di ko na kukunin ang almusal ko para makabawas ako sa gastusin sa almusal natin. Kaso nagbago ang lahat nung napa-duty ka dun, kaya napa-almusal na din ako. Binabagalan ko pa nga non ang pagsandok ko ng kanin para mas matagal pa kitang makita. Ewan ko lang kung napansin mo.

*Hinalo ang kape*

            Natatandaan ko pa nung sumunod na araw sa canteen. Parang ako na lang ata ang hinihintay mo non matapos mag-almusal. Quarter to eight na kase ako kung dumating non. Nahihiya ako sa’yo, kaya naisip kong gawin na lang tanghalian yung almusal na kinukuha ko sa canteen, para magawa mo naman ang iba mo pang gagawin.

*Hinigop ang kape*

            Natatandaan ko pa nung mga panahon na yon sa canteen din. Tinanong mo ‘ko kung saan ako naka-duty at kung may friendster ba ‘ko. Wow! Sabi ko sa sarili ko, eto na ang pagkakataon para mag-usap tayo. Naalala ko pa nung mag-isa akong kumakain ng tanghalian sa duty ko. Wala akong ibang sounds sa winamp non kundi yung You’re Beautiful ni James Blunt. Kung may isang song ako na ide-dedicate para sa’yo, yun yon! Kung alam mo lang, sobrang related yon.

*Tingin sa malayo*

            Hindi ko alam kung bakit ko natatandaan ang lahat ng ito. Pagnakakasalubong nga kita sa daan, tinatanong ko ang sarili ko. May dahilan kaya ang lahat ng ito? Nagkataon lang ba? O dahil pinili ko ang doon dumaan? (muni-muni)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

  

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Happy Birthday. (”,) - Wacky

Posted by wackylodeon at 1:43 AM | permalink | comments[3]