Hi! You accidentally landed on my nonsense and worthless blog niche. This is my getaway from my offline life. If you know me personally, and you're here, I'd appreciate it if you tell to your friends or to anyone else about this stupid craft of mine.

Comments are welcome, but moderated. Haters will not be tolerated. Constructive criticisms are allowed to some extent.

Enjoy your stay!

Wackylodeon - No Sense, Makes Sense!

Home » Archives » October 2007

Stop Digital Piracy

October 27, 2007

      

 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

ANO ANG PAMIMIRATA? 

Ang pamimirata ay pagnanakaw, page-edit, at pagsha-share ng gawa ng iba. OO, ang pagsha-share ng isang bagay na pinaghirapang gawin ng iba na nakuha mo sa internet ng libre ay pamimirata pa rin ang tawag don. Kaya kung hindi ikaw ang gumawa, HUWAG mong i-share sa iba! HINDI KA SI SANTA CLAUS!

"Libre naman ah!"

Hindi porke nakuha mo ng "libre" sa isang website, ay malaya ka ng gawin ang kung anuman ang gusto mong gawin sa nakuha mo.

"Eh wala naman sinabing bawal ah!"  

Kahit pa walang sinabi ang designer na bawal i-redistribute, hindi ibig sabihin non na puwede mo nang i-share 'yon sa iba.

Wala kang karapatang i-redistribute 'yon. MAHIYA KA!

Wala kang karapatang i-email 'yon sa mga friendship mo. AS IN WALA!

Wala kang karapatang i-upload 'yon sa ibang website p'wera na lang kung may pahintulot ng designer at naka-credits sa kanya. INTENDES!

Wala kang karapatang i-edit 'yon at sabihing ikaw ang gumawa. ANG KAPAL MO!

Wala kang karapatang i-rename ang file na 'yon at sabihing iyo 'yon. TAMAAN KA NG KIDLAT! 

"Kaya nga freebie eh!"

Hindi porke freebie 'yon at nakuha mo sa 'kin, hindi ibig sabihin non na puwede mo nang i-upload 'yon sa ibang website at i-share sa iba. Puwede kang mag-share pero sa website lang kung saan ko 'yon (ANG GUMAWA) in-upload. Doon lang at wala nang iba pa! Doon mo sila i-direct at huwag kang gumamit ng ibang link! LEECHER!

Maraming iba d'yan ang pa-inosente effect kuno pero ito lang ang masasabi ko… LUMANG STYLE NA 'YAN!

"Hindi ko alam."

"Akala ko okey lang kase libre."

"Naisip kong i-share sa friend ko kase cute daw."

"Baka sakaling makatulong kung i-advertise ko yung mga gawa nya sa website ko." 

"Akala ko kase okey lang na mag-produce ako non at i-share sa iba kase binili ko naman."

Gamitin mo na lahat ng excuses na alam mo. Walang magbabago. Namirata ka pa rin. PERIOD!

 

If you have participated in pirating, stop now and spread the word.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Credit for the TOU Layout to: Lie Fhung

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Look who's talking!" - Bloghopper  ^_^ v

Posted by wackylodeon at 2:14 AM | permalink | comments[4]