Comments are welcome, but moderated. Haters will not be tolerated. Constructive criticisms are allowed to some extent. All Rights Reserved. All Wrongs Observed.
Enjoy your stay!
Wackylodeon - No Sense, Makes Sense!
Masilungan
August 12, 2007
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ang palatandaan ay narito na.
Nanlalagas ang malalagong buhok ng kabundukan,
at di na mapigilan ng balakubak sa anit ng kagubatan,
ang malaglag sa paanan at tumabon sa kapatagan.
Nagsisikip ang baga ng himpapawid,
sa ibinubugan usok ng sigarilyo ng industriya, ng tabako ng makina.
Bumabara sa ilong ng langit hanggang di na makahinga.
Bumibitak ang maninipis na lalamunan ng ilog,
hindi na masikmurang lunukin ang kemikal na isinusuka,
ng mga pabrika't inihahalo sa mga lawa,
na iinumin ng karagatang tila asidong lumulusaw sa bituka ng lupa.
At ano ang iyong ginagawa?
Pagmamasdan mo na lang ba?
Ang unti-unting panghihina,
ng likas na tahanang kaloob ng Lumikha?
Uupo ka na lang ba at tutunganga?
Hanggang ang simula ng lahat ng bagay,
ay mapunta sa wala?
Mula roon, saan ka pupunta?
Alalahanin…
May sariling pamamaraan ang kalikasan,
upang ipadama ang kanyang pangangailangan,
at maghiganti sa iyong pagkukulang.