Comments are welcome, but moderated. Haters will not be tolerated. Constructive criticisms are allowed to some extent.
Enjoy your stay!
Wackylodeon - No Sense, Makes Sense!
Find "x"
August 25, 2007
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Bad trip talaga para sa 'kin ang Math. 16 years na 'ko nag-aaral ng Math, pero hanggang ngayon, matatapos na lang ako sa kolehiyo, wala pa rin pumapasok o nagre-register man lang sa utak ko about sa mga pinag-aaralan ko sa Math. Nakakasakit ng ulo ang mga sitwasyong gusto mong intindihin ang binabasa mo, pero hindi mo talaga maintindihan kung ano ang mga nakasulat sa mga ito. As in wala kang ideya kung anong gusto nilang iparating sa'yo. Kung paano sila makakatulong sa buhay mo. Parang words at numbers lang nakikita mo at di mo ma-connect ang ibig sabihin ng bawat isa sa kanila. Anak ng scientific calculator!
Dalawang Math subjects ang pinaglalamayan ko ngayon. Sa susunod na sem, may dalawa pa uli. Grabe! Parang gusto ko ata sumigaw. Teka nga sandali…
"Waahhh!!!!" Gusto ko ng matapos ang school year na 'to! Ayoko na! Suko na 'ko!