Hi! You accidentally landed on my nonsense and worthless blog niche. This is my getaway from my offline life. If you know me personally, and you're here, I'd appreciate it if you tell to your friends or to anyone else about this stupid craft of mine.

Comments are welcome, but moderated. Haters will not be tolerated. Constructive criticisms are allowed to some extent. All Rights Reserved. All Wrongs Observed.

Enjoy your stay!

Wackylodeon - No Sense, Makes Sense!

Home » Post Item » Daliri

Daliri

June 22, 2007

 

PARENTAL ADVISORY

Advance warning is given to all the fans and critics out there that the next issue of "Wackylodeon - No Sense, Makes Sense!" will bring you a new literary talent to these nonsense artik with a modern day fictional story about Natre. It is felt that some of my readers at a young age must be aware that this story is aimed at an adult readers. Should this type of nonsense artik prove popular, future bloggers may include similar tales. Advance warnings will be given if some of you might copy the movie poster below. The rights to that movie poster is only given to Natre of Prestidigitation. So you better stop acting like a goat if you don't want to see me act in your life like a goat. Blistering barnicles! Thundering thypoons! Nit-witted! Sea-gearkins! STOP PIRACY!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Isang gabi, sa ikatlong palapag ng A.R.T.S. Building, kung saan nagkaklase ang magkasintahang sina Alyssa at Wacky. Tahimik ang buong klase. Wala kang ibang maririnig na ingay kundi ang langitngit ng bentilador na mukhang bibigay na yata sa pagkakakabit nito sa kisame. At ang tik-tak ng orasan na nagsasabing alas sais y media na ng gabi. Ang atensyon ng buong klase ay nakatuon sa seatwork na ipinagagawa ng kanilang teacher sa Humanities na si Ma'am Uyehara.

Maya-maya, biglang nakaramdam si Alyssa. Nag-excuse ito sa kanilang teacher upang gumamit ng CR kung saan malapit lang sa kanilang classroom. Nasa loob na sya ng isang cubicle nang mapansin nya ang dalawang pares ng sapatos sa labas ng cubicle. Para itong nakapila na naghihintay sa taong nasa loob ng cubicle na matapos dahil nanatili lamang itong nakatayo doon. Sinabi ni Alyssa sa may-ari ng dalawang pares ng sapatos na yung kabilang cubicle na lang ang gamitin nito, dahil wala naman ibang tao sa loob ng CR kundi silang dalawa lang. Ganon nga ang ginawa ng may-ari ng dalawang pares ng sapatos. Pumunta ito sa kabilang cubicle at doon umihi.

Pagkalipas ng ilang segundo, lumabas na ng cubicle si Alyssa para maghugas ng kamay at magre-touch ng kanyang mukha. Nang humarap na sya sa salamin para magre-touch, napansin nya ang babae sa likuran nya. Malungkot ang mga mata nito at nakatingin lang sa mga mata nya. Nginitian lang ito ni Alyssa at pagkatapos ay nagpatuloy na sa kanyang ginagawa. Maya-maya, napansin ni Alyssa ang pagdanak ng dugo sa ulo at ilong nito. Nagulat si Alyssa kaya nilingon nya ito at napansin nyang putol ang mga daliri nito. Nginitian sya nito at pagkatapos ay unti-unti itong naglaho palayo sa kanya. Kaya biglang…

"Eeeee!!!!!" Napasigaw si Alyssa sa sobrang takot. Narinig ito ng kanyang teacher at mga classmates. Agad pumunta ang teacher sa CR upang alamin kung ano ang nangyayari doon. Sumunod na rin ang mga classmate ni Alyssa maliban lamang kay Wacky na naumpog ang ulo sa kanto ng pintuan dahil sa pagmamadali. Medyo nahilo si Wacky sa lakas ng pagkakaumpog nya. Walang nakapansin sa nangyari sa kanya dahil ang iba nyang classmate ay mas nauna sa kanyang nakalabas. Napansin na lang ni Wacky na dumudugo na ang ulo nya.

Samantala sa loob ng CR, nakita nila si Alyssa na nasa isang sulok, nakapamaluktot, umiiyak, at nagsisisigaw sa takot. Ni ayaw silang tingnan ni Alyssa sa pag-aakalang baka makita nya uli ang babaeng putol ang mga daliri. Maya-maya, nakarinig na naman uli sila ng sigaw, pero sa pagkakataong ito, sa loob naman ng kanilang classroom. Agad silang bumalik sa kanilang classroom upang alamin kung sino ang sumisigaw doon. Nakita nila si Wacky na nagsisisigaw at umiiyak din sa takot.

Litong-lito na ang buong klase sa mga nangyayari. Ang ibang mga babae ay umiiyak na sa takot. Agad nilang pinakalma si Alyssa at pagkatapos ay si Wacky naman. Nang mahimasmasan na ang dalawa ay agad tinanong ng kanilang teacher kung bakit sila parehong takot na takot. Ngunit ayaw magsalita ng dalawa. Naisipan ng kanilang teacher na sa next meeting na lang uli ipagpatuloy ang kanilang seatwork.

Kinabukasan, usap-usapan sa buong campus ang nangyari kagabi. Marami ang nagtatanong kay Alyssa kung ano ang nakita nya sa loob ng CR at kung bakit nagsisigaw din sa takot ang kanyang boyfriend. Pero tikom lang ang bibig nito. Hindi pumasok si Wacky dahil na rin sa nangyari kagabi. Nag-alala si Alyssa sa boyfriend nya kaya pinuntahan nya ito sa kanila para kamustahin. Pagdating nya doon, tinanong nya ito kung bakit nagsisigaw din ito kagabi. Pero hindi sinabi ni Wacky ang totoong dahilan kung bakit, basta sinabi lang nya na sumakit ang ulo nya dahil na rin sa sobrang lakas ng pagkakaumpog nya sa kanto ng pintuan ng kanilang classroom.

Mula nang mangyari ang insidente, wala ng estudyanteng babae ang gumamit pa ng CR sa ikatlong palapag ng A.R.T.S. Building, dahil na rin sa takot na baka kung ano ang makita nila doon. Dahil din sa nangyari, hindi na makatulog ng mahimbing si Alyssa sa gabi. Kaunting kaluskos lang ang marinig nya sa kanyang kuwarto ay agad syang napapabalikwas sa takot. Kung minsan naman, napapanaginipan nya ang babaeng nakita nya sa loob ng CR. Sa tuwing mapapanaginipan nya ito, para bang may sinasabi ito sa kanya na hindi naman nya maintindihan kung ano. Lagi rin nyang nakikita sa kanyang panaginip ang isang lalaking may talukbong sa ulo at isang babaeng walang mukha.

Isa pa rin sa mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan ay ang pamilyar na mukha ng babaeng nakita nya sa loob ng CR. Pakiramdam nya kase ay nakita na nya ito dati. Hindi lang nya maalala kung saan. Sa sobrang takot ay kinuwento nya ito kay Wacky at humingi ng advice kung ano ba ang dapat nyang gawin. Sinabi lang ni Wacky na magdasal na lang sila sa Panginoong Diyos.

Samantala si Wacky naman ay lagi ng nakakaramdam ng pananakit ng kanyang likod. Mula nang mauntog sya sa kanto ng pintuan ng kanilang classroom ay parang humina na ang kanyang balanse sa paglalakad. Para syang lasing na bigla na lang gigiwang sa tabi. Napansin ito ni Alyssa kaya pinayuhan sya nito na magpatingin sa doktor.

Kinabukasan sinamahan ni Alyssa si Wacky sa isang klinika upang magpatingin sa doktor. Normal naman ang check up sa kanya ng doktor. Stress lang daw kaya parang lagi syang nawawalan ng balanse sa paglalakad. Pinayuhan sya ng doktor na huwag magpupuyat at magpapagod, pagkatapos ay niresetahan sya nito ng isang gamot. Pagkagaling nila sa isang botika ay agad silang dumiretso sa simbahan upang magdasal at humingi ng awa sa Panginoon.

Lumipas ang mga araw, hindi na napanaginipan pang muli ni Alyssa ang babaeng nakita nya sa CR. Nakakatulog na rin sya ng mahimbing sa gabi. Ang lahat ay bumalik na sa normal maliban lamang kay Wacky na parang lasing pa rin kung maglakad. Sumasakit pa rin ang kanyang likod. Madalas nya itong maramdaman kapag gabi. Kaya hindi nya maiwasan ang maiyak kung minsan dahil sa sobrang sakit. Gusto nang sabihin ni Wacky kay Alyssa kung sino ang babaeng nakita nito sa CR at kung bakit sya nagsisigaw din sa kanilang classroom. Pero natatakot sya na baka iwanan sya ni Alyssa kapag nalaman nito ang tungkol sa kanyang nakaraan. Kaya nagdesisyon sya na huwag na lang munang sabihin kay Alyssa ang totoo.

Isang gabi sa bahay ni Alyssa, habang nagliligpit ng kanyang mga libro na ginamit nila ni Wacky sa paggawa ng project sa Humanities, ay napansin nyang naiwan pala ni Wacky ang cattleya nito. Ilalagay na nya sana sa bag ito nang hindi sinasadyang mabitawan nya ito, dahilan upang mahulog ito at magkalat ang mga nakaipit doon sa sahig. Agad nya itong dinampot at inayos nang mapansin nya ang larawan ng isang babae. Nang pagmasdan nya ang babae sa larawan ay napansin nyang parang nakita na nya ito dati. Pinilit nyang alalahanin kung saan nya ito nakita, at nang maalala nya kung saan nya ito nakita, ay bigla nya itong nabitawan dahil sa sobrang takot na kanyang naramdaman.

Ang babae sa larawan ay ang babaeng nakita nya sa loob ng CR sa ikatlong palapag ng A.R.T.S. Building. Ito rin ang babaeng nakita nya sa photo album ng kanyang teacher na si Ma'am Uyehara nang minsang magpunta sila ng kanyang mga classmate sa bahay nito. Napaisip ngayon si Alyssa kung ano ang koneksyon nito sa kanyang boyfriend at sa teacher nyang si Ma'am Uyehara.

Kinabukasan, pinuntahan ni Alyssa si Ma'am Uyehara sa bahay nito upang itanong kung sino ang babaeng nasa larawan. Nang makita ng kanyang teacher ang babae sa larawan ay hindi nito naiwasan ang mapaluha na ipinagtaka naman ni Alyssa. Ikinuwento nito kay Alyssa kung sino ang babaeng nasa larawan. Sinabi nito sa kanya na ito ang kaisa-isang estudyante na naging malapit sa puso nya. Si Katrina na mas kilala sa tawag na Natre. Isang Fine Arts student na nagtrabaho sa kanya as student assistant. Magaling magpinta si Natre at masasabing may pinagpala itong mga kamay, dahil karamihan sa mga pinipinta nito ay masasabi mong parang totoo at buhay na buhay. (Ows? Patingin nga!)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -     
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Nalungkot si Ma'am Uyehara nang mabalitaan nya ang masamang nangyari kay Natre. Nangyari yun last school year. Hindi alam ni Alyssa ang tungkol sa pangyayaring iyon dahil isa syang transferee. Si Natre ay pinatay ng kanyang bestfriend na si Sumi sa room 310 ng ikatlong palapag ng A.R.T.S. Building malapit sa CR, mga bandang alas sais y media ng gabi. Hindi nila alam kung ano ang motibo ni Sumi para patayin si Natre. Nabaliw kase si Sumi matapos mangyari ang insidente. Marami ang nagulat at nalungkot sa nangyari. Hindi kase sila makapaniwala na magagawang patayin ni Sumi ang bestfriend nya mula pagkabata.

Isang linggo bago ang pagkamatay ni Natre, ay nagbiro ito kay Ma'am Uyehara tungkol sa pagtaya nito sa lotto.

"Ma'am! Pupunta po ako sa langit at hahanapin ko si san pedro… Pero hindi ko po alam kung kelan at paano ako makakarating doon… Pero pag nakita ko po sya… Hihingi po ako ng tip para manalo po kayo sa lotto…"

Hindi alam na Ma'am Uyehara na ang pagbibirong yun ay senyales na pala ng pamamaalam ni Natre.

Kinagabihan, nang magkita sila ni Wacky ay ipinakita nya rito ang larawan ni Natre at tinanong kung anong koneksyon nito sa babaeng iyon. Nagulat naman si Wacky dahil hindi nya inaasahan na makikita nito ang larawan ni Natre. Dahil nabuking na sya nito, wala na syang nagawa kundi sabihin ang totoo. Tutal matagal na rin naman syang naghihintay ng pagkakataon upang sabihin kay Alyssa ang tungkol sa kanyang nakaraan.

Nagsimula ng magkuwento si Wacky kay Alyssa ng tungkol sa nakaraan nya, nang biglang makarinig sila ng kalabugan sa loob ng kusina. Nagulat sila dahil wala namang ibang tao sa bahay ni Wacky kundi silang dalawa lang. Agad pumunta si Wacky sa kusina upang tingnan kung sinong tao ang nakapasok doon. Nagulat sya dahil wala namang tao sa loob pero kusang bumukas ang gripo at pagkatapos ay nagbagsakan ang mga kawali't kaldero sa sahig. Napatakbo si Wacky sa sala dahil sa sobrang takot. Si Alyssa naman ay agad lumapit sa kanya dahil sa sobrang takot na naramdaman din nito.

Alam ni Wacky kung sino ang nagpaparamdam sa kanya pero para makasiguro ay kinuha nito sa drawer ang kanyang Polaroid Impulse Camera. Napanood nya kase sa isang horror movie na may kakayahan itong makakita ng multo. Agad pumunta si Wacky ng kusina habang si Alyssa naman ay nanatili lamang sa may salas. Pagdating ni Wacky sa loob ng kusina ay agad syang kumuha ng isang larawan at pagkatapos ay tiningnan nya kung may nakuha syang multo. Nagulat sya sa kanyang nakita sa larawan. Si Natre na nakangiti sa kanya. Tinapon nya ang larawan sa sahig upang kumuha ulit ng larawan, pag-angat ng kanyang mukha ay napasigaw si Wacky sa takot dahil nasa harapan na nya mismo si Natre. Kaya biglang…

"Aahhh!!!!!" Sigaw ni Wacky matapos na sya ay gisingin ng kanyang teacher na si Ma'am Uyehara. Pinagtawanan sya ng kanyang mga classmates dahil nahuli na naman syang natutulog sa oras ng kanilang klase. Maya-maya nakarinig sila ng sigaw ng isang babae na nagmumula sa CR. Agad pumunta ang kanilang teacher upang alamin kung ano ang nangyayari doon. Sumunod na rin ang mga classmate ni Wacky. Tinanong ni Wacky ang isa nyang classmate na nasa may pintuan na kung sino ang nagsisisigaw sa CR. Sinabi nitong ang girlfriend nya dahil wala namang ibang pumunta ng CR kundi si Alyssa lang.

Dahil sa sobrang pag-aalala ni Wacky, agad itong tumakbo palabas upang alamin kung ano ang nangyayari sa kanyang girlfriend. Kaya sa sobrang pagmamadali, hindi sinasadyang tumama ang ulo nya sa kanto ng pintuan ng kanilang classroom, dahilan upang sya ay mahilo at matumba. Walang nakapansin sa nangyari sa kanya dahil ang iba nyang mga classmate ay mas nauna na sa kanyang nakalabas. Napansin na lang nya na dumudugo na ang ulo nya. Dumukot sya ng panyo sa bulsa at agad nya itong tinakpan upang mapigilan ang pagtulo ng dugo.

Nang palabas na si Wacky ng classroom ay hindi sinasadyang makita nya ang sariling repleksyon sa salamin ng bintana ng kanilang classroom. Nagulat sya dahil nakita nya si Natre na nakababa sa likuran nya. Napasigaw sya sa matinding takot. Pinilit nyang alisin si Natre sa pagkakababa nito sa kanyang likuran. Ngunit mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Lalo syang nag-panic nang biglang magpatay-sindi ang mga ilaw at pagkatapos ay tuluyang mnamatay. Parang lasing si Wacky na nagpa-giwang-giwang sa loob ng kanilang classroom. Nagkagulo-gulo ang mga silya. Hindi pa rin umaalis si Natre sa kanyang likuran. Sumigaw sya ng sumigaw upang may makarinig sa kanya.

Samantala sa loob ng CR, nakita nila si Alyssa sa isang sulok. Nanginginig at nagsisisigaw sa takot. Ni ayaw silang tingnan ni Alyssa sa pag-aakalang baka makita nya uli ang babaeng putol ang mga daliri. Maya-maya, nakarinig naman sila ng sigaw mula sa kanilang classroom. Agad bumalik ang iba upang alamin kung sino ang sumisigaw doon. Pagdating nila doon, nagtaka sila dahil napansin nilang patay ang mga ilaw maliban lamang sa isang ilaw na nasa pasillio. Mula sa pintuan ng kanilang classroom, sinilip nila kung sino ang nasa loob. Nakita nila si Wacky na nagsisisigaw din sa takot, duguan ang ulo, at hindi mapakali na para bang may tinatanggal na kung ano sa kanyang likod.

Pagkalipas ng ilang sandali, may dumating na isang guwardiya at nagtanong kung anong kaguluhan ang nangyayari doon. Sinabi ng kanilang teacher na may dalawa syang estudyante na parang sinapian ng masamang espiritu. Agad rumadyo ang guwardiya sa maingate upang humingi ng back-up. Pagkatapos rumadyo ay may iniabot itong isang sobre sa teacher.

Guwardiya: Ipinabibigay ho nung dalaga.
Teacher: Sino?
Guwardiya: Ayun ho sa… wala na ho pala.
Teacher: Ano ba 'to?
Guwardiya: Hindi ko ho alam. Basta ibigay ko lang daw ho sa inyo.
Teacher: Ganon ba. Salamat.
Guwardiya: May ipinasasabi ho pati.
Teacher: Ano 'yon?
Guwardiya: Ikinumusta na raw ho nya kayo. Kung mananalo raw ho kayo sa lotto, balatuhan nyo na lang siya.
Teacher: Ha?

Mabuti na ang ganito. Kapag ipinaliwanag ko pa, baka hindi mo na maintindihan. Kung may misteryo man ay dahil may kamangmangan. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

 
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Kinabukasan, usap-usapan sa buong campus ang nangyari kagabi sa ikatlong palapag ng A.R.T.S. Building. Marami ang nagtatanong kay Alyssa kung ano ang nakita nya sa loob ng CR at kung bakit nagsisigaw din sa takot ang kanyang boyfriend. Pero hindi nya sinabi kung ano ang nakita nya at hindi rin nya alam kung bakit nagsisigaw din sa takot ang kanyang boyfriend. 

Samantala sa isang psychiatric hospital, may isang doktor ang nag-i-interview sa isang babaeng may mahabang buhok na tumatakip sa mukha nito. Si Sumi. Pinakita ng doktor dito ang larawan ni Natre at nagsimulang magtanong kung ano ang kaugnayan nito sa babaeng nasa larawan. Nang biglang…

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 


A  T A L E  O F  T W O  B E S T  F R I E N D S

SOON!

Posted by wackylodeon at 2:22 PM | permalink

Previous Comments

Wacky:
Wahehe..

wow.
nagkwento na talaga! Whee! Dapat lng magkwento ka ng magkwento.. this is what comment box is for right??.. so keep on keepin’ on! ;)

haha.. uhm.. nga. may point ka dun. madyo mali yung ‘quote’ na un. ;)

Well.. mozilla gamit muh??
Ako kasi IE7 eh.. hindi ko pa na try ung mozilla ;)

Oohh! Kakaiba talaga tung blog na toh!
Aztig! ;) Laging may new stories! ;)
Dapat maging writer ka.. you make stories of your own.. keep it up! ;)

uhm.. up for a new post nga pala.. ;)

Posted by Kev at June 22, 2007, 5:40 pm

wow… wala akong masabi… ang galing mo gumawa ng short story… sa totoo lang hirap akong gumawa ng short story, laging narereject sa publication nmin mga pinapasa ko hehehe ^_^

ang galing mo magpaikot ikot ng kwento… very entertaining! ^_^ gusto ko magaling din ako tulad mo gumawa ng short story..

paano ka nakakagawa ng magagandang short story?? astig talaga!! siguro ang dami mo nang sinalihan na writing workshops…

kinilabutan ako sa kwento mo… ^_^

and… thank you nga pala.. ^_^ hndi ko rin alam kung paano manalo sa lotto eh, pero pag nakausap ko na si san pedro, itatanong ko sa kanya.. ^_^ waaaahhh hehehehe… gudnyt!

Posted by natre at June 22, 2007, 10:58 pm

LOL! XD, i love the tag line, NO Sense Makes Sense…

haha, and i love that story man!
is that alyssa? the girl on the photo from your polaroid camera?

Posted by netherchild at June 23, 2007, 3:11 pm

oo nga i wonder if siya un?!sa poster hehe.
inspired by “shutter” ha.hehe.galing.keep it up!

Posted by icka at June 23, 2007, 3:15 pm

To Kev: Thanks bro! Balik ka uli! :-D

To Natre: Wala pa naman akong sinasalihang writing workshops. Mahilig lang talaga akong mag-isip kaya siguro nakakagawa ako ng mga artik na tulad nito. Salamat sa comment! :-)

To Netherchild: Hindi si Alyssa yung nasa pic. Si Natre. Nasa “Fellow Neighbors” ko sya. Check mo na lang blogsite nya. Thanks sa comment! :-)

To Icka: Abangan mo part two nito. Dun ko ire-reveal ang nakaraan nina Wacky, Natre, at Sumi. Salamat sa comment! He-he! :-D

Posted by wackylodeon at June 23, 2007, 3:45 pm

hahaha!
ang saya!
nag-enjoy ako sa kakabasa!
ayosness!

Posted by eloiski at June 23, 2007, 9:22 pm

Hahaha! Nakakatuwa! Benta! :D

Posted by Moneh at June 23, 2007, 9:57 pm

haha, it was worth it… kahit medyo matagal ang draw.. ang galing mo magsulat wacky… and the accompanying images are to die for… DALIRI! pamatay… and you make use of your blogmates as subject matter, nice naman… :P

dumaan lang! :P

Posted by toniwoni at June 24, 2007, 12:02 am

hahaha ows patingin nga!

astig astig astig!!! bakit kaya naputol daliri niya? baka namurder ng manikurista….si sumi ba ay isang manikurista? hahaha joke lang!

Posted by ana at June 25, 2007, 8:57 am

Bro, hope you dont mind me linking you up.

:d sige ingat, dagdag na kita sa blogroll ko.

have a nice day ahead.

Posted by netherchild at July 5, 2007, 4:23 pm

ganda ng kwento ah.. may sense.. hindi korny.. basta.. thumbs up ako jan..:)

Posted by ewanko at July 11, 2007, 10:45 pm

oo nga mga frendz sobrang nakakalibang!!ang saya saya!

Posted by sheena at July 24, 2007, 4:30 pm

hi wacky….i want to be you to be my friend!! have a nice day!!!

Posted by sheena at July 24, 2007, 4:32 pm

Galing ahh…habang binabasa ko to eh katabi ko si Wacky.. at puro tanong ako sa kanya…sabi nya basahin ko lang daw…at kaya pala…tumawa lang sya nang matapos ko na mabasa…hehehehe…parang The Others ahh…galing mo talaga BosWak mag-isip…ang galing ng imahinasyon mo….Sana magawa ka pa ng mas marami at malay mo gawin ng isang pelikula…..

Posted by Paulo at September 12, 2007, 3:18 pm

Add a comment