Hi! You accidentally landed on my nonsense and worthless blog niche. This is my getaway from my offline life. If you know me personally, and you're here, I'd appreciate it if you tell to your friends or to anyone else about this stupid craft of mine.

Comments are welcome, but moderated. Haters will not be tolerated. Constructive criticisms are allowed to some extent. All Rights Reserved. All Wrongs Observed.

Enjoy your stay!

Wackylodeon - No Sense, Makes Sense!

Home » Archives » May 2007 » Page 4

Senatorial Election 2007

May 9, 2007

 

Genuine Opposition (GO) is the umbrella political coalition party of the opposition's senatorial and local line-up for the 2007 Philippine Midterm Elections. It is a multi-party and multi-sectoral coalition that includes the UNO, Liberal Party, Nacionalista Party, NPC, Aksyon Demokratiko, PDP-Laban, PMP, and civil society groups. The common platform of the GO is focused on anti-corruption and poverty-alleviation.

 

 

  The mandate to serve is a grace given by the sovereign.

——————————————————————————————————————————-

Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.

Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 and budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?

Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mga Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20-30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

ANG SARAP MAGING SENADOR! KAYA PLEASE LANG PO! VOTE WISELY! PAG-ISIPAN NAMAN PO ANG MGA CHOICES!

——————————————————————————————————————————-

Corruption Video Paid by the Genuine Opposition

 

Progress Video Paid by the Team Unity

 
PLEASE FORWARD TO AS MANY OF YOUR FRIENDS AND LET THE WHOLE COUNTRY KNOW THAT ELECTION IS MORE OF PUTTING AMBITIOUS PEOPLE IN POSITION WHO ARE GREEDY IN POWER, WEALTH & PRESTIGE THAN OF PUBLIC SERVICE. ANG MASAKIT PA PERA NG BAYAN PARIN GAGAMITIN SA ELEKSYON MALUKLOK LANG ANG MGA BUWAYA SA PWESTO! 

Posted by wackylodeon at 5:26 PM | permalink | Add comment