Home » Archives » March 2007 » Page 3
Kadyot Lang
March 14, 2007
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ang pagkadyot ay isang uri ng proseso na ginagawa ng jeepney driver pag ang baterya ay medyo mahina na o ang starter ay sira. Dahil diesel ang makina nito pwede mo syang kadyotin. Medyo parang bastos ang kataga pero KADYOT means Jump Start in da inglish langweds.
Paano ka kakadyot? Ambastos talaga pakinggan… hehehehe…
Una… kelangan mo ng drayber… Ang drayber ng jeep ilalagay kaagad sa sekon gear o segunda… tapos may mga tutulak… Pag may kakadyot siguradong may taga tulak. Dito makikita ang bayanihan spirit sa terminal. Pag alam na may KAKADYOT… ang mga kalalakihan mula sa pasahero, takatak boys, bulkanaysing gang, draybers old and new alike, mga tomboy… makikitulak.
Dalawang klase ang kumakadyot. Merong tanga at merong marunong.
Pag tatanga tanga. Dalawang klase yan… meron yung inosente… at meron yung bobo… Lam nyo naman dito sa pinas… pag hindi mo alam ang proseso, tatangatanga ka… at yung mga hindi natuto sa proseso dahil sa kabobohan, tatangatanga pa rin ang tawag.
Pag naman marunong… tatlong ring klase yan… merong nagdudunong dunungan para di mukhang tatangatanga… merong marunong na mukhang tatangatanga… at ang pangatlo ay mga marunong na matino…
Paano kumadyot ang taong tatangatanga na inosente…
Mas mabilis turuan yan… kasi inaamin nyang inosente sya… yung mga marunong sasabihan sya “O SIGE!!! I-SEGUNDA MO!!! TAPOS PAG UMAANDAR NA BIGLA MONG KADYUTIN O ITAAS ANG KLATS(clutch). YUNG MABILIS NA PAG ANGAT!” Ayun pag mabilis turuan, umaandar na jeepney nya. Di nahirapan ang mga nagtulak, kasi fast learner sya!
Ang tatangatanga na bobo… Nakopo… kahit ilang beses na ginawa ang pagkadyot parang first time parati ginagawa. Minsan mumurahin na lang yung ganyang drayber sasabihin… “PUTIK… TUMABI KA NGA DYAN, AKO NA LANG” … hehehe… kasi ilang urong sulong na ng jeepney di pa rin umaandar. Kumbaga sa sex kahit sabihan na i foreplay ang babae… gusto ng mga ‘to baon kaagad… tsk tsk tsk…
Ang mga marurunong na nagdudunong dunongan na hindi naman alam… yan ang delikado… kung ano anong dahilan ang sasabihin sa ‘yo… mga tipong pa alpha male epek na drayber… pa know it all… mga bwisit yan… minsan tinulungan mo na ngang itulak ang jeep… kulang pa raw ang tulak… e pano, di tsinek. Naka reverse gear pala tapos ang tulak ay pasulong… ang tawag sa mga yan… GAGO!
Merong marurunong na nagtatangatangahan, tulad ko… hehehe… minsan kahit alam ko kumadyot… pagtitripan ko yung mga tutulak… tatawagin ko yung mga malalaki ang tyan na drayber para magbanat ng buto at mabawasan ang kolesterol… pagtutulakin ko… mga hanggang tatlong kadyot… hehehe…yung mga hunghang ganado kasi sinabi ko me mga naka palda na nagagandahang binti… sabi nila patagalin ko daw para mabosohan naman nila…
Ang huli ay yung mga matitinong drayber… pag kumadyot… suwabe.. yung mga masisipag… at yung seryoso sa trabaho nila… masyadong seryoso na minsan parang nagiging swapang naman… hay nako… di ko malaman kung san ako lulugar… mag tanga tangahan na lang kaya ako?
Minsan pag sekon trip… kunwari sira ang jeep ko… sasabihin ko sa mga sexy ko na pasahero… “sandali lang mga beyutipul miss… kakadyotin lang natin ang jeepney.” hehehehe…
Kaya nga daw pala jeepney driver ay sweet lover, kasi lahat ng klaseng kadyot alam… hehehe… mga kadyotero!!!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Copypaste from: Ang Kadyot - Jet’s Jeepney






