Hi! You accidentally landed on my nonsense and worthless blog niche. This is my getaway from my offline life. If you know me personally, and you're here, I'd appreciate it if you tell to your friends or to anyone else about this stupid craft of mine.

Comments are welcome, but moderated. Haters will not be tolerated. Constructive criticisms are allowed to some extent. All Rights Reserved. All Wrongs Observed.

Enjoy your stay!

Wackylodeon - No Sense, Makes Sense!

Home » Archives » 24. March 2007

Naruto: Shippuuden

March 24, 2007

Eto ang part two ng pinaka-malupet na anime series na napanood ko… ang Naruto: Shippuuden! (ed's note: sa ingles langweds, Naruto: Hurricane Chronicles.) Naka-set ang kuwento ng Naruto Shippuuden two and a half years after the present timeline in part one, kung saan nabigo si Uzumaki Naruto and the rest of his team mates na maibalik ang nagrebeldeng si Uchiha Sasuke. So, sa story na 'to, kinse anyos na ang ating mga bida.

Umiikot ang kuwento mainly sa dalawang ninja ng konoha na si Uzumaki Naruto at si Haruno Sakura. Pinapakita dito ang kanilang mga malulupet na adventures at ang kanilang walang humpay na paghahalughog sa kagubatan para mahanap si Uchiha Sasuke na iniwan ang kanilang bayan, ang Konoha, para sumama sa grupo ni Orochimaru at matuto ng mga bagong technique na magagamit nya para maipaghiganti nya ang angkan ng mga Uchiha na minasaker ng kanyang prodigal brother na si Uchiha Itachi na member naman ng Akatsuki. Pinapakita nga rin pala dito ang grupong Akatsuki sa kanilang quest na makuha lahat ng mga Tailed Beast na ang isa ay nasa loob ng katauhan ni Uzumaki Naruto. Ang Nine-Tailed Demon Fox na syang pinakamalupet sa lahat.

Nagsimulang i-ere ang anime series sa Japan nito lang February 15, 2007, premiering with the first two episodes debuting in a one hour special. Sayang nga lang at wala pa dito sa 'pinas. Mabuti na lang may Youtube, he-he!

Ilan sa mga ito ay ang muling pagtatagpo nina Uzumaki Naruto, Haruno Sakura, at Uchiha Sasuke. Ang iba naman ay ang pakikipaglaban ni Fifth Kazekage Gaara sa miyembro ng Akatsuki na si Deidara na ang misyon ay kunin ang One-Tailed Shukaku na nasa loob ni Fifth Kazekage Gaara.

Enjoy! 8)

Naruto Shippuuden: Episode 01 - 02

 

Naruto Shippuuden: Episode 03

 

Naruto Shippuuden: Episode 04 (1/3)

 

Naruto Shippuuden: Episode 04 (2/3)

 

Naruto Shippuuden: Episode 04 (3/3)

 

Naruto Shippuuden: Episode 05 (1/3)

 

 

Naruto Shippuuden: Episode 05 (2/3)

 

Naruto Shippuuden: Episode 05 (3/3)

 

Mga spoiled! Hanggang dito na lang muna. According kase sa aking ever reliable mouse pussy cat, Naruto Shippuuden Episode 06 and 07 will be aired on March 29, 2007, in Japan syempre. So, I guess na wala pa rin hanggang ngayon sa Youtube ang episode na 'to kase March 24 pa lang ngayon mga Naruto Addict. Wait na lang kayo. He-he!

Posted by wackylodeon at 12:15 PM | permalink | comments[4]