Comments are welcome, but moderated. Haters will not be tolerated. Constructive criticisms are allowed to some extent. All Rights Reserved. All Wrongs Observed.
Enjoy your stay!
Wackylodeon - No Sense, Makes Sense!
May mga planetang nabanggit ba si God maliban sa Earth?
March 10, 2007Dahil wala naman talagang mababasa sa bibliya natin ngayon about sa creation ng iba pang planeta at ng mismong kalawakan. Alam mo ba kung bakit? Simple lang. Kase maraming Sacred Writings ng Judaism at Christianity ang hindi isinama sa paggawa ng bibliya. Pinili lang talaga ng mga unang kristiyano (ex-pagano) kung ano ang mga scrolls na karapat-dapat na isama sa bibliya. Anuman ang rason nila kung bakit hindi nila isinama ang mga yun, eh hindi ko alam. Basta yun lang ang masasabi kong dahilan kung bakit wala kang mababasa sa bibliya about dun sa question mo. Wala ka nga ring mababasa sa bibliya about sa creation ng Dinosaurs. Samantalang napatunayan na ng mga scientist na meron talagang nabuhay na mga higanteng creatures na ito million of million of sangkatutak na million of years ago. Sabi pa nga ng iba, ang mga krudo na nakukuha ng mga oil companies sa dagat at kung saan-saan pang lupalop ng mundo ay galing sa taba ng Dinosaurs. P'wera biro! Totoong galing sa taba ng Dinosaurs ang mga krudong bumubuhay sa angkan ng mga keso de bolang may-ari ng mga oil companies na yan. Kaya dapat tayong magpasalamat sa mga Dinosaurs, kung hindi dahil sa mga Dinosaurs, walang source of power ang mundo natin ngayon. Dapat nga kasali ang Dinosaurs sa chinese calendar dahil malaki ang contribution nila sa technologies natin ngayon. Year of the Dinosaur. Swabe! Ano kayang pakiramdam ng taong ipinanganak sa year na 'to? He-he!
Imagine, may makikita kang creature sa Zoo tulad ng nasa larawan sa itaas. Magkano kaya ang magiging suweldo ng caretaker ng dambuhalang nilalang na yan?
Imaginin mo ulit, ikaw yung caretaker na magpapakain sa Dinosaur na yan. Mabigat na trabaho yan! Tapos hahabulin ka pa!
Tatakbuhan ko yan!







