Home » Post Item » Naitae Mo Na Ba Ang Faith Mo?
Naitae Mo Na Ba Ang Faith Mo?
March 8, 2007
PAUNAWA LAMANG SA MGA WALANG-MUWANG
Ang walang kuwentang artik na ‘to ay hindi ko original kundi NI-REVIVE ko lang. What I mean is, may pattern o model na pinag-gayahan. Para bang “inspired by” kuno. Then yung personal experiences na nakasaad dito, eh sa akin talaga. Ako talaga. True story. Yun, ganon. Walang BIG deal. Intendes? Kung saan at kanino ko nakuha ang ganitong pautot na ideya ay dehins ko sasabihin, pero kung pipilitin mo ‘ko ay sasabihin ko rin! Comment muna! He-he!
Ang walang kuwentang artik nga pala na ito ay ini-aalay ko ng buong puso, buong kaluluwa at buong pagkatao ko, pati na ang buong katawan ko, sa mga dakila at walang kamatayang working stupident ng SaHeCo. Pati na rin sa mga apprentice na sumali at walang takot na nagpatuloy upang maabot ang kanilang mga pangarap.
Pagpalain nawa kayo ng MAYKAPAL at patnubayan nawa kayo sa inyong mga mabubuting gawa!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Kahit kelan istorbo talaga ang utot! Okey na sana eh! Umutot ka lang! He-he!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ayoko na sanang i-share pa ito, baka kase kantiyawan at pagtawanan ako ng mga kakilala ko. Pero naisip ko, bahala na. Eh ano naman ngayon sa kanila. Baka nga ‘yung iba sa kanila, ganon din eh. At tsaka lahat naman ng tao ginagawa ‘yun.
Ang pigilan ang kanyang tae!
Every Saturday kase, nagkakaroon kaming mga working stupidents ng Lauds together with the Daughters of Charity. Madalas akong ma-late sa part na ito. Hindi ko maumpisahan. Kung minsan naman tapos na, kaya ang naaabutan ko na lang ay ang Saturday mass. Pero nung minsan, naumpisahan ko ito. Masaya ako syempre, kaya lang nagkaroon ng problema. Bigla akong tinawag ni Inang Kalikasan.
Anak ng… natatae ako! (dyahe) Pero oo talaga, naramdaman kong natatae ako. Bad trip! Seryoso pa man din ako sa pagbabasa ng canticle at feel na feel ko na ang presence ni Mama Mary, tapos bubulabugin ako ng masangsang na amoy nagpupumilit lumabas sa puwet ko?! Asar! Hindi ko na tuloy malaman kung anong uunahin ko.
Ang i-worship si Mama Mary, o ang pigilan ang tae ko?
Magbabasa, tatayo, at kakanta. Magbabasa ulit, luluhod, at magninilay-nilay. Tapos biglang matitigilan dahil kailangang pigilan ang masangsang na amoy. Mawawala ang feeling. Tuloy sa worship. Tapos babalik na naman. Ahh! Istorbo talaga! Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Alangan namang hayaan ko na lang na bumulwak ‘yun sa loob ng brief ko. Maliligtas nga ako sa mahirap na sitwasyon, pero ang mga co-MG ko naman ang mahihirapan.
Kaya nag-worship at nagpigil na lang ako nang sabay hanggang sa… TING!
Bigla kong naisip na parang FAITH pala ang TAE na pilit kong pinipigilan!
Bayolenteng reaksyon mo: “Ano?!! Faith, parang tae?!! Oh, c’mon!!”
Hindi ka talaga nagkamali ng basa, ‘yun nga talaga ang pumasok sa minsang may sense kong kukote. Somehow, may pagkakahalintulad sa tae ang faith. Maraming tao ang pilit na pinipigilang i-tae ang pananampalataya nila, natatakot at nahihiya sa paglayo at pagkantiyaw ng mga tao, na epekto ng tinatawag nating “image o poise”. Kapag ipinapahayag mo ang pagmamahal mo sa Kanya, gagawin kang main course ng asaran.
“Baka masunog ako ‘pag lumapit ako sa banal!!”
Ang sarap pagtawanan. Ang sarap kantiyawan. Ang sarap layuan. Parang tae!
Ang faith nga naman ay parang tae. At tulad ng faith, marami ding klase ng tae.
Merong taeng malabnaw na itsurang parang mumurahing lugaw, pero sobrang baho naman. Ito ‘yung klase ng faith ng mga SRA (self-righteous ass-hole). Sila ‘yung kunyari maganda ang pakikisama sa’yo at nire-respeto ang ibang paniniwala mo, pero deep inside naman ay iniisip na diretso sa impiyerno ang kaluluwa mo at siguradong sila lang talaga ang maliligtas. Sa madaling-salita, nasa loob ang kulo.
‘Yung taeng solido naman na itsurang parang mamahaling imbutido, pero dehins gaanong maamoy. Ito naman ‘yung klase ng faith na pakitang-tao lang. Sila ‘yung makikita mong pagita-gitara at paweepee-weepee sa may kanto ng agora market tuwing alas-kuatro ng hapon. At tulad ng malakas na utot na nakakatawa ‘pag narinig natin, nakakatawa rin ang kilos ng mga may ganoong klase ng faith dahil alam nating pakitang-tao lang ang ginagawa nila.
Mabaho talaga ang tae. Kaya dapat itong ilabas dahil nakakalason ito ng sistema ng ating katawan. At tulad ng faith, hindi dapat ito pinipigilan. Pero sana kung ilalabas natin ito, ay huwag sa pampublikong lugar, dahil talaga namang umaalingasaw at nakakasuka kung minsan. Ilagay lang natin sa tamang lugar.
Napa-iling na nga lang ako nang maisip ko ‘to. Anong ginawa ko? Pinigilan ko ang tae ko dahil takot ako na pagtawanan at layuan ng mga co-MG ko. Siguro nga, tulad ng sa faith ko, hindi pa rin ako ganon ka-attached. Kulang pa ang mga panalangin ko, ang paniniwala ko, ang pagiging God’s instrument ko. Na sa kabila ng mga nangyari sa buhay ko, kulang pa rin ang mga ginagawa ko para panindigan ang pananampalataya ko.
Pinagdasal ko na lang, na sana balang-araw ay matapang ko nang maitatae ang pananampalataya ko. NO FEARS. NO HESITATIONS. Just me and my faith in Him, na kahit gaano pa ka-baho sa mapang-amoy na ilong ng mga tao ang ilalabas ko. May ISANG hindi ako iiwanan, hinding-hindi kahit kailan.
Ikaw, naitae mo na ba ang faith mo?
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Hahaha! Grabe ka naman!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
MORAL LESSON
HUWAG IPAGDAMOT ANG COMMENT SA TAONG NANGANGAILANGAN!
Inspired From: Naiutot Mo Na Ba Ang Pananampalataya Mo? - Shisha of Peyups






