Comments are welcome, but moderated. Haters will not be tolerated. Constructive criticisms are allowed to some extent.
Enjoy your stay!
Wackylodeon - No Sense, Makes Sense!
Alin Ang Mas Nauna: Itlog o Manok?
March 30, 2007
Alin nga ba ang mas nauna sa dalawa? Itlog ba o Manok? May ilang nagsasabi na itlog ang mas nauna, dahil ang manok ay nanggaling nga naman sa itlog. Pero may ilan namang nagsasabi na manok daw talaga ang mas nauna, dahil wala nga namang mabubuong itlog kung walang manok. Tama nga naman. Pero kung iisipin mo, mali pa rin. Paano naman mabubuo yung manok kung hindi muna sya dumaan sa proseso ng itlog? Hindi ba? Kahit anong isagot mo, laging may pambutas, laging may conflict. Sasakit lang ulo mo sa kaka-isip. Paiikot-ikutin ka lang hanggang sa mahilo ka.
Ganito lang naman ang teknik d'yan. Mag-focus ka lang sa isang sagot, halimbawa ay manok. Tapos yun ang bigyan mo ng matinding paliwanag. Yung babaon talaga sa utak ng mambabasa. Yung kahit magkaroon sya ng amnesia, sasabihin nyang manok pa rin ang nauna. Tulad halimbawa ng sagot ko sa tanong ko. Para sa 'kin, manok talaga ang mas nauna. Ano ba'ng klaseng manok? Tandang o rooster. Bakit? Ganito kase yun, nung panahon na ginawa ng Diyos ang lahat ng nilalang dito sa mundo. Ang una nyang ginawa ay lalake, syempre dahil lalake ang kasarian ng Diyos. Huwag nang kokontra. Lalake ang Diyos. Magkukulitan pa ba naman tayo. Pruweba? Ano ba ang sinabi ni Hesus sa mga alagad nya kung paano ang manalangin? "Manalangin kayo ng ganito. Ama namin… sumasalangit ka.. sambahin ang pangalan mo…" (excerpts from the Bible). Naniniwala ka na? Ngayon, balik tayo sa usapan. Nang matapos gawin ng Diyos ang lahat ng nilalang dito sa mundo. Lahat sila malalaki na at puro lalake. Pati manok lalake. Tandang. Kaya paanong mauuna ngayon ang itlog, samantalang wala pang inahing manok. Hindi ba? Kaya manok talaga ang mas nauna. Ano kumbinsido ka na ba?
Eto may isa pa. Alin ang mas nauna? Lapis o Pantasa? Hindi magkakaroon ng pantasa kung walang lapis, at hindi rin magkakaroon ng lapis kung walang pantasa. Eh alin ang nauna?
Malay ko! Alamin mo…







